Thursday, September 17, 2015


Akin ngang masasabi na ang pagpili ng College School ay kinakailangan ng isang seryosong pagdedesisyon.Hindi lamang ang ganda ng uniporme o ang Pangalan ng paaralan ang dapat nating tignan, kundi pati rin ang Kalidad ng Edukasyon nito. Ikaw ba ay isang 4th Year High School Student na balisa pa rin sa pagpili ng Paaralan ng pupuntahan sa pagtungtong sa Kolehiyo? Kung ganoon, Wag ka ng mag-alala dahil narito na ang sagot sa iyong kasagutan. 


Matatagpuan ito sa San Fernando City La Union, Tinaguriang Beacon of Wisdom of the North, sapagkat halos lahat ng mga magaaral na nagtatapos dito ay nakakapasa sa Board Exam at nagiging Propesyunal sa kursong kanilang tinapos. Hindi lamang larangang pang Akademiko ang gustong ibahagi ng Paaralan na ito kundi layunin din nitong baguhin o patibayin ang pananampalataya ng bawat mag-aaral.Mayroon itong Chapel na kung saan mayroong eskedyul ang mga mag-aaral upang magmisa at makinig sa mga salita ng Diyos. 




Mayroon din itong 3 palapag na Library, na kung saan komportableng magbasa, magreview, at gumawa ng mga requirements. At 2 computer room na kung saan lahat ng Estyudante ay pwedeng gumamit.





Sa loob ng Paaralan iyong makikita ang Peace Garden, kung saan pwedeng magpahinga, magpicture o magreview, Tahimik ito at ika'y makakalanghap ng sariwang hangin pagka't ito'y napalibutan ng mga Puno at Halaman. Ito ay matatagpuan sa harap ng School Library lamang.



At isang malaking Gymnasium na kung saan nagaganap an iba't ibang mga Programa sa Paaralan katulad ng Intrams, CSC Night at iba pa. Ito rin ay ginagamit ng mga estyudanteng mayroong Physical Education Subject sa pagsasayaw at paglalaro ng Iba't ibang Sports. 

Sa Paaralang ito, Ika'y matututo hindi lamang sa iyong Akadermikong kasanayan kundi mahuhubig din ang iyong pananampalataya at pagmamahal sa Diyos na maykapal. Ang kagandahang pisikal ng aking paaralan ay isa lamang sa mga dahilan kung bakit nararapat lamang na ito ang piliin bilang paghahanda sa ating hinaharap ngunit ang pangunahing dahilan kung bakit dapat piliin ito ay dahil sa sigurado akong, Ikaw, Kayo at pati na rin ako ay mabibigyan ng sapat na kaalaman sa akademikong kasanayan at pati na rin sa Ispiritual.